Friday 2 March 2012
Ang storya ng buhay namin simula ng nagkaroon kami ng Poj - Photo finish! Ngayon ay tumungo kami ng Philippine Embassy sa London. Ang plano ay ang pumunta doon ng maaga para makapamasyal naman sa London para sulitin ang byahe. Pero tulad ng dati, kapag may bata ay hindi naman madaling masunod ang mga plano. Kaya't late na kaming nakaalis ng bahay at dumating ng 12:50! 10 minutes na lang ay magsasara na sila for their lunch break! Kaloka. Pinauna ko na nga si Papa E para relax kaming maka-stroll ng streets of London ni Poj (ang daya noh?).
Nakuha naman ni Papa E ang kaylangan nya doon, sya na ang huli sa pila para sa collection ng passport, hehe. Paglabas namin ng Embassy ay may Pinoy na nagtitinda ng kakanin at balut. At kahit kaya kong gumawa ng cassava cake at puto ay di ko mapigilang bumili. Kumuha kami ng sapin-sapin, puto at cassava. Pass muna kami sa balut, may dala na nga kaming kakanin medyo dyahe naman kung may dala pa kaming balut sa pamamasyal, haha!
Ano ba ito, lahat ng bagay lately ay lalong nagpapaalala sa akin ng Pinas =( Lalo tuloy akong nahohomesick, huhuhu.
Akala ko pasalubong din ito from Pinas. Pansin ko din sis puro reminders ng ating bansa ang mga pagkain mo lately.
ReplyDeleteNakasama pala si Poj. Buti naman nakuha niyo yung dapat kunin sa London. AT Maraming Thank you dun sa picture sa twitter. Gusto ko ng mag-dive sa monitor ko para makapunta jan. Hala lumakas ang tibok ng aking puso sa sobrang excitement, bukod sa London na tapos old building pa. Hay, someday.
Nga pala, buti may nagtitinda ng kakanin jan? Parang almusal ko lang kahapon ang sapin-sapin. Hehehehe. Have a great weekend sis :)
wow sis Krizzy and yummy buti naman at least di ba nakatikim ng pagkain natin dito..masarap yan pag may mainit na chokolate..napadaan po..o yan ha tagalog talaga ;)
ReplyDeleteOo nga - sign na ba ito na malapit na kaming umuwi? Haha, i wish!
ReplyDeleteYup, sinama na namin si Poj kasi nagworry kami na malate kami sa pagbalik. You're very welcome sis =) Ikaw ang naisip ko nung makita ko yung building =)
Natsempuhan lang namin si Manong na nagtitinda sa labas ng embassy sa London. Pero dito sa amin, walang nagtitinda ng kakanin =(
Oo nga sis, tagalog na tagalog ka ah! Papa E had it with hot chocolate ako naman kape. Yummy! =)
ReplyDeleteThanks sis